Biyernes, Nobyembre 29, 2013

Wala si Ma'am

Ngayong araw naman ay wala ang aming guro sa hindi ko alam na kadahilanan . Ngunit nag-iwan siya ng isang gawain sai\min na kung saan kukuha ka ng nagustuhan mong pangyayri sa dula at hindi mo nagustuhan . 

Huwebes, Nobyembre 28, 2013

Dulang Pansuliranin

Binalikan namin kung ano ang tinalakay namin kahapon tinanong din ng aming guro kung ano ang mga sitwasyon na makatotohanan sa nangyaring pangkatan n\kahapon . Tinalakay din namin kung anong uri ng dula ang Sinag Sa Karimlan at napagtananto ko na ito pala ay dulang pansuliranin dahil ang nagyayari sa dula ay tumutukoy sa suliraning panglipunan na nangyayari rin sa totoong buhay , ang teorya naman na nakapaloob dito ay teoryang eksistensyalismo dahil mas pinili pa ng isa sa pangunahing tauhan na makulong kesa magbayad ng malaking halaga ng pera bagama't may pangbayad siya mas gusto pa din niyang oagbayaran ang ginawa niyang kasalanan . 

Miyerkules, Nobyembre 27, 2013

Kahalagahan Ng Antas ng wika

Itinanong ng aming guro kung ano-ano ang ginawa namin kahapon . Ang kahalagahan ng antas ng wika ay upanag malaman natin kung ano ang nararapat na wika na gamitin sa ating mga kausap , malalaman din natin kung anong klaseng tao ang iyong kausap . Tinalaky din namin kung saan umiikot ang dula at ang nakapaloob na isyu dito ay iyung panlipunan at isyung pampamilya . Nagkaroon nanaman kami ng isang pangkatang gawain . 

Martes, Nobyembre 26, 2013

Ernan

Ngayong araw naman na ito ay sinimulan ng aming guro sa pagtatanong tungkol sa dulang iniulat kahapon ang ibig sabihin pala ng pamagat nito ay ang pagsilip sa pag-asa . inulat din ng kanya-kanyang grupo ang inatas na gawain sa kanila . Nagkaroon ulit ng isang pangkatang gawain na pagsusuri ng panglinggwistika patungkol sa dula . 

Biyernes, Nobyembre 22, 2013

Slogan

Nagsimula ang aming klase sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng aking mga kamag-aral sa ginawa nilang slogan .at tinalakay din namin kung bakit hindi sinasabi ni Tata Selo ang tunay na nagyari sa kanyang anak at natuklasan ko na ito ay dahil isa silang mahirap at para sa kanila ang dignidad ay mahalaga. Sinagot din namin ang ilang tanong na ipinaskil ng aming guro sa harap ng pisara . Nagkaroon din kami ng maikling pagsusulit patungkol sa akda . 

Huwebes, Nobyembre 21, 2013

Teoryang Dekonstruksyunal

Ngayong araw naman na ito ay tinukoy namin kung anong teorya ang nakapaloob sa dula at ito ay teyoryang dekonstruksyunal dahil ang tinutukoy ng mambabasa na may kasalanan ay si Tata Selo pero ang totoo ay ang tunay na may kasalanan ay si Kabesang Tano . 

Miyerkules, Nobyembre 20, 2013

Ang totoong may kasalanan

Nag-umpisa ang aming talakayan sa  pag-puna ng aming guro sa nangyaring dula kahapon na isinagawa na pangkat apat . Binalikan namin ang kwentong Tata Selo at tinukoy ang mga bawat pangyayari . Tinanong din
ng aming guro na kung ano ang ibig iparating ni Tata Selo sa kanyang hulinng sinabi . Nagkaroondin kami ng pangkatang gawain na papatunayan kung ang  detalyeng ibinigay ay sinosoportahan ng akda. Natuklasan ko na ang nangyari pala sa anak ni Tata Selo na si Saling ay ginahasa ni Kabesang Tano kaya pala nagawang pumatay ni tata selo ay para mapaghigantihan niya si Kabesang Tano sa ginawa nito sa kanyang anak .

Martes, Nobyembre 19, 2013

Dula-dulaan ng pangkat 4

Nagkaroon ng dula-dulaan ang pangkat apat patungkol sa dulang Tata Selo ni Rogelio Sikat at may ilang malalalim na salita nha binigyan namin ng kahulugan . Nagkaroon din kami ng isang pangkatang gawain na binibigyan ng kahulugan ang bawat parirala .

Lunes, Nobyembre 18, 2013

Hindi nakamit ang karapatan

Naiulat namin ang aming pangkatang gawain noong nakaraang araw , at tinalakay namin ang mga karapatan ng bata na hindi nakamit ni adong at gumawa kami ng isang aktibiti kung saan isusulat sa isang buong papel kung ano ang karapatan na gusto mong makamit at kung naman na ang isusulat ay yung mga karapatan na sa tingin mo ay sumusobra ng bigay sayo.

Karapatan ng mga bata

  • karapatan na maisilang at magkaroon ng pangalan at nasyunalidad
  • karapatan na maging malaya at magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
  • karapatan na mabigyan ng sapat na edukasyon
  • karapatan na mapaunlad ang kasanayan
  • karapatan na magkaroon ng sapat na pagkain at tirahan at malusog at aktibong katawan
  • karapatan na matutuhan ang mabuting asal at kaugalian
  • karapatan na mabigyan ng pagkakataon na makapaglaro at makapaglibang
  • karapatan na maigyan ng proteksiyon laban sa pagsasamantala, panganib at karahasang bunga ng mga paglalaban
  • karapatan na manirahan sa isang payapa at tahimik na pamayanan
  • karapatan na maipagtanggol at matulungan ng pamahalaan
  • karapatan na makapagpahayag ng sariling pananaw.


Biyernes, Nobyembre 15, 2013

Teoryang Naturalismo

Tinalakay namin kung anong teorya ang nakapaloob sa akdang mabangis na lungsod. Ang teoryang nakapaloob dito ay teoryang naturalismo dahil ang kapaligiran ang nakakaapekto sa tauhan , at tinalakay din namin na ang pangunahing tauhan pala sa akda ay namayapa na . Nagkaroon din kami ng pankatang gawain na kung saan ibibigay ang mga sanhi at bunga ng nasabing pangungusap .

Huwebes, Nobyembre 14, 2013

Epekto ng nasabing pangyayari

Nagkaroon kami ng pangkatang gawain na tutukuyin kung ano-ano ang naging epekto ng mga nasabing pangyayari sa tauhan .

Miyerkules, Nobyembre 13, 2013

Pagsusulit lang

Ngayong araw naman gumawa kami ng isang pagsusulit kung saan tinatalakay ang mga matatalinhagang pangungusap na bibigyan namin ito ng kahulugan upang mas lalo pang maintindihan ang akda.

Martes, Nobyembre 12, 2013

Sikat na pasyalan o lugar

Itong araw naman na ito ay gumawa kami ng isang pagsusulit o aktibiti kung saan tutukuyin kung saan nagaganap ang nasabing pangyayari.

Lunes, Nobyembre 11, 2013

pagsusulit patungkol sa akdang sa pula sa puti

Ngayon naman ay gumawa kami
ng isang pagsusulit patungkol sa
akdang sa pula sa puti. At nagkaroon kami
ng takdang aralin na kailangan naming
basahin ang akdang 'Mabangis na lungsod 
ni Efren Reyes Abueg'

Huwebes, Nobyembre 7, 2013

Salaysay

Ngayong araw na ito ay gumawa kami ng isang salaysay o ilang mga payo kung paano maiiwasan ang pagsusugal . at ito ay base sa aming sariling opinyon .




Miyerkules, Nobyembre 6, 2013

Teoryang Eksistensyalismo

Ngayon naman ay tinalakay namin kung ano ang teoryang nakapaloob dun sa dulang sa pula sa puti natuklasan ko na ang teoryang iyon ay teoryang eksistensyalismo dahil ipinapakita doon ang kapangyarihan ng tauhan na nagdedesisyon sila at napanininindigan at natatanggap nila kung ano man ang kahihinatnan ng kanilang naging desisyon.

Martes, Nobyembre 5, 2013

Nagawang desisyon

Gumawa kami ng isang pagsusulit kung saan bibigyan ng mga kahulugan ang bawat pangungusap . Upang mas lalo pa naming maintindihan ang dula . At gumawa din kami ng isang pangkatang gawain kung saan tutukuyin kung ano ang mga desisyon na nagawa ng inatas na tauhan at kung napanindigan ba nila yung desisyon na iyon .

Liham Pasasalamat :)


Lunes, Nobyembre 4, 2013

Simula Naaaa :)

Ngayon araw na ito ay tinalakay namin 
ang kwento ng sa pula sa puti ni  Francisco Rodrigo. At ang grupo namin ang naatasang mag-ulat nito.