Sabado, Enero 25, 2014

Byernes .

Ngayon ay Nagkaroon kami ng aktibiti sa Mapeh naging masaya ito para sa amin kasi minsan lang kami nagkaroon ng ganito eh . Sa Filipino naman ay gumawa kami ng istorya kung saan ay parang kagaya ng Ang Kalupi Ni Benjamin Pascual . Ang suliranin ay si juliana at Maria ay magkapatid at nawala ang kwintas ni Juliana . Ipinasa na din namin ang ginawa naming tula na muling isinulat sa cartolina dahil ipapaskil daw ito sa kuhaan ng card . Nung gabi naman ay nanuod ako ng Got to believe palagi ko tong inaabangan ang ganda kasi ng istorya eh . Pero pabitin kaya Got to bitin na ang tawag .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento