Biyernes, Enero 10, 2014

Ikalawang araw ng pagsusulit

Ngayon naman ang ikalawang araw ng aming pagsusulit at ngayon din ang pasahan ng aming proyekto sa Filipino . Nakakaasar nanaman ! kasi nagpatulong nga ako sa ate ko para mabilis matapos ang kaso hindi din naman niya natapos . Nakakaasar talaga yun kahit kailan kaya itinuloy ko nalang ito sa aming paaralan . Halos lahat ng kaklase ko ay ginagawa ang kanilang proyekto pero may iba naman sa kanila na hindi gumagawa at walang paki-alam sa kanilang marka . Maaga nanaman ang aming uwian ngayong araw kaya maaga akong umuwi pagka-uwi ko ay binipi ko ang aking Lola dahil naninikip daw ang kanyang dibdib at nahihirapan daw siyang huminga yun pala ay mataas ang kanyang dugo pagkatapos noon ay nagpunta dito ang aking tita para kumustahin siya medyo umayos naman ang kanyang pakiramdam . At sinabi ng papa ko na late siya makakauwi malamang mag-iinom nanaman yun pero bahala siya wag lang masyadong madami dahil lagot siya kay mama . Hahaha xD wala akong ginawa dito sa bahay kundi matulog malamig kasi eh kaya ang sarap matulog.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento