Linggo, Enero 12, 2014
Kaarawan ng aking Tiyahin
Ngayon namang araw na ito ay naglaba ako nakakapagod talagang maglaba , pagkatapos noon ay nagpunta kami sa bahay ng aking tita dahil kaarawan niya nakakahiya naman kung hindi kami pupunta dahil sinabi niya na dahil lang daw siya naghanda ay dahil sa amin . Nagpunta na kami doon andun din ang aking isang tiyahin na galing pa sa montalban may kotse kasi sila kaya madali lang ang pagbiyahe sa kanila . Masaya naman kaso hindi masyado kasi tahimik lang eh kadalasan kasi pagpupunta kami doon maingay yung bahay ngayon hindi masyado kasi kaunti lang kami . Pagsapit ng ika-5 ng hapon ay napagdesisyunan na naming umuwi dahil baka abutan pa kami ng dilim sa daan hindi kasi sumama ang aking papa sa kadahilanang walang kasama ang aking lola sa bahay may sakit kasi siya kaya kailangan niya ng kasama.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento