Sabado, Enero 4, 2014

Proyekto.

Buod Ng Impeng Negro Ni Rogelio Sikat

Tauhan

 Impen- 16 taong gulang, maitim ang kulay ng balat, may mga kapatid sa ibang ama, isang agwador o taga-igib ng tubig 
Ina ni Impen- iniwan ng huling asawa habang kanyang ipinagbubuntis ang bunsong anak 
Mga Kapatid ni Impen na sina Kano, Boyet, Diding 
Taba- tinderang uutangan ng gatas para sa bunsong kapatid ni Impen 
Ogor- matipunong agwador na laging nanunukso at nang-aapi kay Impen 
Mga Agwador 

Banghay

 Naguhugas ng kamay si impeng sa batalan ng pangaralan siya ng kanyang ina na wag daw siyang makikipag-away o uuwi na basag ang mukha .

Nagtungo siya sa gripo upang doon siya magigib dahil siya ay isang agwador mahina lang ang kita ng kanyang nanay sa paglalabada ganun din naman sa kanyang pag-aagwador pero kahit ganun patuloy pa rin siya sa pag-iibig kahit na marami ang nanunukso sa kanya dahil sa estado nila sa buhay at sa kanya ring kulay si Ogor naman ang kanyang pinakamatinding kaaway.

Nakapila siya sa may gripo napansin niya ang langkay ng mga agwador sa gripo.Nakaanim na igib na siya at may sisenta sentimo na kumakalansing sa bulsa ng kanyang maong.Nanatili siya doon sa pila kahit alam niya na siya ay tatanghaliin sa pag-uwi . Nakita niya si ogor sa isang tindahan na nakasilog dahil sa sobrang tirik na araw niyaya siya neto upang sumilong na din hindi niya ito pinapansin dahil baka tuksuhin nanaman siya na "Negro" .

 Nang torno na ni ogor para sa pag-igib ng kanyang tapayan ay nakadama siya ng konting tuwa dahil aalis na si ogor at wala ng manunukso sa kanya  at tuluyan na ngang umalis si ogor. Nang nangangalahati na ang tubig sa kanyang tapayan ay biglang sumingit si Ogor sa kagustuhan nitong maka-uwi agad dahil gutom na daw siya tinulak nito ang tapayan ni Impen at natapon ang laman na tubig noon nang naisip ni Impen ang sinabi ng kanyang nanay ay naisipan nalang niyang umali ng papaalis na siya ay pinatid siya ni Ogor at siya'y natumbay sa bato nagkaroon siya ng sugat sa kanyang pisnge . Nagalit si Impen at agad naman na pinagsusuntok si Ogor habang sinusuntok niya si Ogor ay halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman "Bakit nga ba lagi niya ang tinutukso ?" tanong sa kanyang sarili hanggang sa hindi na makabangon si Ogor dahil sa mga sigat na natamo nito ng natalo niya si Ogor ay nakadama siya ng kapangyarihan at pagkamangha sa mata ng mga taong nanunuod sa kanila.


Buod Ng May Buhay Sa Looban Ni Pedro S. Dandan

   Tauhan

 Popoy- ang batang naninirahan sa looban na lumipat sa dalampit
Lina,goryo,lucio, - Mga kaibigan ni Popoy

Banghay

Ang istorya na ito ay tumutukoy sa isang bata Popoy lilipat na sila sa dalampit at maiiwan ang looban humingi pa siya ng isang linggo sa kanyang tatay bago sila lumipat pero sinermonan lang siya nito at sinabi na walang pag-ibig , walang kagandahan, walang buhay ang looban , napaisip naman siya sa sinabi ng kanyang tatay hindi ba't ang anak na dalaga ni Aling Lilay ay maganda? Samantalang ang sanggol ni Aling Temang na maggugulay, bagama't pangit sapagka't pilas ang nguso at pingkit ang isang mata, ay natitiyak niyang buhay, malusog ...... umiiyak?.
 napamahal na siya sa mga tao dito at parte na rin ng kanyang araw ang amoy ng kanilang lugar bakas sa mukha niya ang pagkalungkot habang naghihintay sa darating na trak na hahakot ng kanilang gamit . Bago sila umalis ay naisipan muna niya na makipaglaro sa kanyang mga kalaro .

Nakita niya na labasan na ng mga estudyante sa kanilang paaralan . Nakita niya si Lina kinawayan niya ito at kumaway din si Lina gamit ang kanyang panyo nag-unahan sila na makarating kay Popoy ang nauna ay si Lina "Nauna ako . Nauna Ako" ang bigkas nito namumula ang pisni ni Lina dahil sa pagod sa pagtakbo "Sinabi ko sa titser na maglilipat kayo , kaya hindi ka pumasok" wika ni lucio . Sinabi din ng kanyang mga kaibigan na wala na daw tatalo sa mga tagatabing-ilog at tabang tambakan "Hoy magpasikat ka nga aalis ka nanaman eh " tukso sa kanya at sinimulan niya ang pagpapasikat sumikad siya at humawak sa baras ginawa lang niya kung ano ang kanyang alam lalong nagkahugis ang kalamnan ng kanyang mga bisig humanga sa kanya ang kanyang mga kaibigan pagkatapos ay binigay ni Lina ang kanyang bakya at isinuot naman niya ito at nakita niya ang mga tingin ng kanyang kaibigan na may ibig sabihin dinukot ni Goryo sa kanyang karpeta ang kaputol ng tisang puti at itinitik sa baras na may nakasulat na POPOY AND LINA kunyari ay hindi ito napansin ni Lina nilapitan siya ni Popoy at Binulungan "Tinutukso nila tayo " napatingin naman si Lina sa mga kaibigan at nasambit "Salbahe!" .

Nahinto ang kanilang katuwaan ng may narinig silang trak si Popoy nalang ang tanging hinihintay dahil andoon na ang kanyang kamag-anak sumakay na si Popoy sa tabi ng tsuper at nagpaalam sa kanyang mga kalaro"Diyan na kayo " ang kanyang wika . Basag ang kanyang tinig at narinig ang ingay ng makina ng trak bago umalis ay nilibot niya ang kanyang paningin sa lugar .

Lumakad na ang trak at unti-unting nawala sa likuran ng trak ang mga kaibigan . Naramdaman ni popoy ang mainit na butil ng luha na umagos sa kanyang pisnge at nalasap ito ng kanyang bibig  Sa kauna-unahang pagkakataon, sapul nang mamulat siya sa kahalagahan ng kanyang sarili, ay noon lamang siya napaiyak. Hindi niya madalumat kung paano nakakilala ng luha ang walang gulat na "hari" ng Looban.

I Do Ni Veronica B. Velasco

Tauhan

 Yumi- kasintahan ni Lance
Lance-Kasintahan ni Yumi

Banghay

 Nagkita si Yumi pati si Lnace sa isang reception ng kasal isinayaw ni Lance si Yumi at doon na sila nagkakilala palagi silang lumalabas na magkasama at doon naging magkasintahan silang dalawa. Si Lance ay isang intsek at nais ng kanyang mga magulang na makapangasawa siya ng kapwa niya intsek si Yumi naman ay isang ordinaryong babae lang ang pamilya nila ay nagmamay-ari ng maliit na junkshop . Ipinakilala ni Yumi si Lance sa kanyang pamilya sa hindi inaasahang pangyayari nabuntis ni Lance si Yumi natatakot si Lance na sabihin sa kanyang mga magulang dahil baka mawalan siya ng mana .

Ng dumatingna ang araw na itinanong ni Yumi kay Lance kung nasabi na daw nito sa mga magulang niya "Naghahanap lang ako ng tyempo" ang sagot ni Lance shempre nagalit si Yumi ng nalaman ng mga magulang ni Yumi sabi nila kay Lance ay dapat daw magpakasal na sila . Gusto ng mga magulang ni Lance na lalaki ang maging anak nila para daw may tagapagmana . Isang araw nalang bago ang kasal tinawagan ni Yumi si Lance pero hindi ito sumasagot kaya pinuntahan niya ito sa bahay nila nakausap naman niya Lance pero ang sabi kailangan daw siya ng Uncle niya kasi may sakit napagdesisyunan ni Yumi na layuan na si Lance .

Nanganak na si Yumi at babae ang kanyang naging anak dinadalaw-dalaw siya ni Lance at sinusuyo ulit siya Medyo nagmatigas pero nakuha ulit niya si Yumi . Plinano nila ulit na magpakasal Bago ang kasal na ospital si Lance dahil na bagok sa c.r kaya noong nagpakasal sila nakaWheel chair si Lance humiram siya ng pera sa pinsan niya para sa kasal nila sinabi ng mga magulang ni Lance na kapag nagpakasal daw siya kay Yumi ay mawawalan siya ng mana pero balewala lang yun sa kanya kasi mahal niya nga si Yumi .

Namatay ang Uncle ni Lance at dumalaw sila sa burol nakita niya ang mga magulang niya at sa wakas natanggap din nila si Yumi.

1 komento:

  1. Saan niyo po nabasa yung buong kwento ng may buhay sa looban? Maraming salamat po! Sana po makapag-reply agad kayo. Salamat!

    TumugonBurahin