Huwebes, Pebrero 27, 2014

Wala nanamang pasok .

Ngayong ara ay mga ika-8 na ako ng umaga tumayo sa higaan shempre feel ko pa ang higaan nuh napamahal na ako sakanya xD pagkatapos namin mag-almusal ay hinanap ko yung ballpen na gamit ko kagabi , actually kagabi ko pa yun hinahanap naaasar nga ako kasi hindi ko alam kung saan ko nilagay gusto ko ng magbigti :D pero sa wakas nahanap ko din anduon pala sa taas hinanap ko na dun kagabi kaya lang hindi ko nakita kasi hindi nakabukas yung ilaw . Pagkatapos kong hanapin nagsulat na ako ng aking istorya gumagawa kasi ako ng istorya eh ilalagay ko siya sa wattpad pagnatapos ko na . Habang nagsusulat ako sabi ng papa ko magbihis daw ako at bibili kami ng ulam so yun bumili na nga kami ng ulam pagbalik ko naligo ako tapos tinuloy ko na yung istoryang ginagawa ko . Buong araw yun lang ang ginawa ko gagawa sana ako ng proyekto sa ingles kaya lang wala akong makopyahan kaya wag nalang.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento