"Kung ganon ay magkaroon nalang tayo ng kasunduan"-isa ito sa mga linyang sinambit sa pelikulang "100 Days With Mr.Arrogant" sa panulat ni Dong-Yeob Shin .
Nakakatuwa na medyo nakakakilig ang nangingibabaw na damdamin dito sa istoryang ito dahil ang istoryang ito ay umiikot sa tauhang si Ha-Yeong (babae) at Hyung jun (lalaki) . Si Ha-yeong ay isang High School student at si Hyung jun naman ay isang mayaman , arogante at hotty . Habang naglalakad pauwi si Ha-Yeong ay may sinipa siyang lata at ito ay bumanga sa kotse nu Hyung jun kaya nabangga ito sinabi niya na malaki ang halaga na babayaran ni Ha-Yeong dahil magandang klase ag kotse nito sa sobrang takot ni Ha-Yeong ay tinakbuhan niya ito kaya lang nahulog niya yung i.d niya kaya natawagan siya nito una akala niya yung Ex-boyfriend niya ng nalaman niya na si Hyung jun ito ay pinatay kaagad niya yung cellphone niya kaya lang sinundan siya nito sa school nila at nagkaroon sila ng kasundun na magiging isang katuong si Ha-Yeong ng 100 Days dahil wala siyang pambayad palagi sila nitong magkasama tinuturuan sa mga homeworks at naging tutor niya ito hanggang sa mahulog sila sa isa't-isa ng dumating na yung araw ng katapusan ng kontrata ay nagtapat si Hyung Jun ng pagmamahal niya kay Ha-Yeong kaya lang ayaw ng mama ni Ha-Yeong kaya napagdesisyunan ni Hyunh-Jun na umalis . Nagpursige naman si Ha-Yeong sa pag-aarala para makatungtong siya ng college ang hindi niya alam ay tinutulungan din siya ni Hyung Jun ng nakapasa siya sa entrance exam ay sinurpresa siya nito .
Para sa akin itong pelikulang ito ay papatok sa mga kabataan ngayon dahil na din sa mga musika na magandang pakinggan at sa mga sikat na artistang gumanap dito. Ang mensahe naman ay para sa mga taong nagmamahal ang nais iparating nito ay kung mahal mo ang isang tao dapat ipaglaban mo siya para hindi dumating yung araw na magsisisi ka kapag may dumating man na problema harapin ito ng walang takot at wag sumuko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento