Linggo, Disyembre 8, 2013

Araw ng linggo

Tuwing araw ng linggo ay naglilinis kami ng aming bahay . Palagi akong tinatamad pero wala eh gagalaw at gagalaw kapa rin sa ayaw at sa gusto mo ngayon pang nalaman namin na uuwi ang aking tiyuhin dito sa amin na galing ng takloban kaya dapat kami ay mag-linis nagdadalawang isip pa ang aking lola at papa kung papatuluyin daw ba siya sa aming bahay hindi lang naman daw kasi siya ang magdedesisyun kasi ngayong may asawa na siya . Ngunit ng nakarating na ang tiyuhin ko hindi siya sa amin nagtungo kundi sa bahay ng isa ko pang tiyuhin na kapatid ng papa ko hindi naman pala siya magtatagal dito dumalaw lang siya dahil nalaman niya na kakauwi palang ng tiyuhin ko galing ng saudi todo linis pa kami sa bahay wala rin pala . Balak sanang hindi pumasok ng aking papa sa kanyang trabaho kaya lang tinawagan siya ng kanyang amo ang kanyang trabaho ay isang ahente sa bayantel sinama niya ang aking kapatid . Nais ko sanang sumama kaso naunahan ako eh . 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento