Ngayong araw na ito ay nahuli ako sa pag-gising karaniwan akong gumigising pagsapit ng ika-4 ng umaga ngunit ngayon ay nagising ako ng 4:30 kaya muntik na kaming mahuli sa flag ceremony dahil tuwing lunes nagdaraos ng flag ceremony ang aming paaralan eh dagdagan pa ng sobrang kupad kumilos na kapatid eh talagang mahuhuli na kami niyan . Tuwing umaga palagi nalang kaming nagababangayan kasi mabagal talaga siya as in ! kaya pati natutulog nagagalit .
Ngayong lunes naman wala ang aming guro sa Filipino pero may ginawa kaming aktibiti kung saan bibigyan ng kahulugan ang mga matatalinhagang salita na matatagpuan sa akdang Kinagisnang balon ni Andrez Cristobal Cruz upang pagdating na tatalakayin na namin ang akda ay hindi na kami maguguluhan sa mga salita na aming makakaharap .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento