Sinimulan namin ang aming talakayan sa pag-uulat ng bawat grupo sa kanilang naatas na gawain may ibang nagsadula,nagbalita, at may patimpalak na naganap. Ang aming grupo ay naatasang magkaroon ng isang patimpalak na ang pamagat ay BEKI BOOM . Base sa aking pag-susuri ang pangkat 4 ang may pinakamaayos na presentasyon dahil sila ay may pagkakaisa at naiparating nila ang pinaka mensahe ng kanilang dula . Pagkatapos ng lahat ng nagtanghal , ang aming guro ay tinama ang mga pagkakamali na nagawa ng iba't-ibang grupo , at ipinaliwanag din niya ang maga katanungan na hindi maayos na nasagot . Tinanong din ng aming guro kung ano ang mas nanaisin mo manatili sa kinaroroonan o umalis pero umunlad ang buhay ? para sa akin ay umalis pero umunlad dahil mas matutulungan ko ang aking pamilya at masusuportahan ko ang kanilang pangangailangan kesa naman duon lang ako pero nganga kami . At pinagdadala niya din kami ng makulay na papel .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento