Biyernes, Disyembre 6, 2013
Paraan upang magtagumpay sa buhay
Ngayong araw tinanong kami ng aming guro kung nagtagumpay ba si fely sa loob ng akda. Para sa akin oo, nagtagumpay siya dahil ibang-iba na siya hindi gaya ng dati at ibang-iba na din ang tingin sa kanya ng mga tao sa kanilang lugar sa kanya nagtagumpay siya dahil hindi siya nagpadala sa iyakan ng kanyang kamag-anak bagkus tinatagan niya ang kanyang loob . Pumasok sa aming silid aralan si ginoong inahid isa sa mga guro sa asignaturang Ingles siya ay nag-anunsyo tungkol sa akktibi na gagawin at sinabi naman ng aking guro na iyon ay oras ng Filipino kaya dapat Filipino ang gagamitin na salita ngunit hindi natiis ni sir at siya ulit ay nag-Ingles . Pagkatapos nun ay ipinagpatuloy na namin ang aming talakayan tinanong kami ng aming guro kung ano daw ang gagawin upang magtagumpay sa buhay sabi ng isa sa aking kamag-aral ay wag daw muna magboboyprend at ituon ang sarii sa pag-aaral . Pagkatapos ay gumawa kami ng salaysay kung saan isusulat doon kung ano ang iyong paraan upang magtagumpay sa buhay . Hindi ko na nagawang kunan ng litrato dahil wala ng oras gusto ko pa nga sanang dagdagan ang nagawa kong salaysay ngunit kapos na sa oras , at kamalas-malasan ako pa ang nabunot upang basahin ang ginawang salaysay .
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento